PINAKAWALAN ng Abu Sayyaf ang tatlong bihag na Indonesian national sa Sulu, kagabi.
Sinabi ni Professor Samsula Adju, spokesperson ng Moro National Liberation Front sa Sulu, na nasa kustodiya na ni MNLF chairman Nur Misuari sa Indanan ang mga napalayang bihag.
“Yes, they were released to the MNLF by the ASG,” sabi ni Adju.
Kinilala ni Professor Octavio Dinampo, isang professor sa isang unibersidad na nakabase sa Sulu, ang mga pinakawalang biktima na sina Lorens Koten, Theodores Kopong at isang Emmanuel.
“I heard P30 million was paid to Abu Sayyaf Group,” sabi ni Dinampo.
Dinukot ang tatlong Indonesian national noong Hulyo 19 sa Lahad Datu.
Nakasama nila ang pinalaya ring Norwegian na si Kjartan Sekkingstad.
MOST READ
LATEST STORIES