Tax exemption sa kumikita ng P300K pababa kada taon

house of rep
Nais ni House deputy speaker Miro Quimbo na gawing tax exempted ang P300,000 kita sa kada taon.
     Sinabi ni Quimbo na dapat ding baguhin na ang sistema ng personal tax at alisin na ang mga personal exemptions at allowable deductions na nakagugulo pa sa pagbabayad ng buwis.
     Sa ganitong paraan ay mas mabibigyan umano ng hustisya ang ibinabayad na buwis ng mga middle income earners dahil mas malaki ang magiging tax exemption nila kumpara sa kasalukuyan.
     Sa ilalim ng panukala ni Quimbo ang mga kumikita ng P300,000 pababa kada taon ay hindi na magbabayad ng income tax.
     Batay sa datos, 9.4 milyon na nagbabayad ng buwis ang kumikita ng P300,000 pababa.
     “With this proposal, almost 10 million taxpayers will finally be liberated from decades of suffering. Since 1997, the ordinary Filipino has been paying for the highest tax rates in Asia. It’s time to set them free,” ani Quimbo.
     Sinabi ni Quimbo na ang kumikita ng P300,000 pababa ay sapat lamang para sa isang pamilya na may limang miyembro.
     “This does not factor in emergencies, which destabilizes their finances. Thus, exempting these low to middle income earners from paying any income tax would give them some needed breathing room. They may not qualify as “poor” if we apply the official poverty definitions, but these are people who are just making ends meet and are highly vulnerable to economic shocks or crises.”
     Sa kasalukuyan ang mga kumikita lang ng minimum ang hindi nagbabayad ng income tax.
    Kasama sa panukala ang pagtaas ng buwis sa mga kumikita ng P10 milyon pataas kada taon.

Read more...