Isang mananaya sa Cabanatuan City ang nanalo ng P31.2 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42.
Ayon Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay tumaya sa lotto outlet sa Mabini Extn., Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Isa lang ang tumaya sa winning number combination na 10-31-32-19-25-14.
Nanalo naman ng tig-P21,190 ang 42 mananaya na nakalimang numero. Tig-P420 naman ang 1,669 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 25,769 mananaya na nakatatlong numero.
Ang 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.
MOST READ
LATEST STORIES