Mga Laro Ngayon
(Alonte Sports Arena, Biñan, Laguna)
4:30 p.m. Blackwater vs San Miguel Beer
6:45 p.m. TNT KaTropa vs Barangay Ginebra
Team Standings: **TNT KaTropa (9-1); **Barangay Ginebra (8-2); **San Miguel Beer (7-3); *Meralco (6-5); *Mahindra (6-5); *Alaska (6-5); *NLEX (5-6); Phoenix Petroleum (5-6); Rain or Shine (5-6); GlobalPort (4-7); Star (2-9); Blackwater (1-9)
**- twice-to-beat sa quarterfinals
*- quarterfinals slot
PAG-AAGAWAN ngayon ng TNT KaTropa Texters at Barangay Ginebra Kings ang No. 1 spot sa kanilang salpukan dakong alas-6:45 ng gabi sa huling playdate ng 2016 PBA Governors’ Cup elimination round sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.
Sa unang laro dakong alas-4:30 ng hapon, magpipilit naman ang San Miguel Beermen na masungkit ang ikawalong panalo sa pagsagupa sa napatalsik nang Blackwater Elite.
Bagamat pareho nang may hawak na twice-to-beat advantage sa quarterfinals, hangad pa rin ng Tropang Texters at Gin Kings na makubra ang top spot at ikasa ang pagsagupa sa No. 8 seed sa playoff round.
Sasandigan ni TNT KaTropa coach Jong Uichico sina Jayson Castro, Ranidel de Ocampo, Jeth Troy Rosario at mga import na sina Mychal Lemar Ammons at Michael Madanly.
Si Barangay Ginebra mentor Tim Cone ay sasandal naman kina import Justin Brownlee, Japeth Aguilar, LA Tenorio at Solomon Mercado.