Sulat mula kay Anna ng Washington St., Oroquieta City
Dear Sir Greenfield,
May kaibigan akong tomboy at dahil napamahal na siya sa akin ng magtapat siya sa akin ng pag-ibig sinagot ko siya agad. Ang problema may isa pa akong boyfriend pero hindi ko masyadong mahal, mas mahal ko ang kaibigan kong tomboy na ito kaya nga po sinagot ko siya agad ng magtapat siya ng pag-ibig sa akin. Sa ngayon dalawa ang syota ko, isang tomboy at isang totoong lalaki kaya medyo naguguluhan ako. Itatanong ko lang sana kung kami na ba ng boyfriend ko kahit hindi ko siya mahal o posible kayang kami ang habng buhay na magsasama ng tomboy kong ka-relasyon, kasi mas masaya ako sa kanya kapag kasama ko siya kaysa sa totoong boyfriend ko. Sino ba sa kanilang dalawa ang pang habng buhay kong makakasama? August 12, 1991 ang birthday ko.
Umaasa,
Anna ng Oroquieta City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
“Wala kang makakatuluyan sa dalawang ka-relasyon mo sa ngayon”. Ito ang nais sabihin ng nagulo at nabiyak na unang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.), sa iyong palad. Ibig sabihin. bago ka makapag-asawa, dadanas ka ng dalawang matinding kabiguan, ngunit ang ikalawang mas magandang Marriage Line (arrow 2.) ay nagsasabing sa ikatlong ka-relasyong paparating pa lamang siya ang iyong makakatuluyan at makakasama habang buhay.
Cartomancy:
“May pagka-silahis o mahinhin kumilos ang lalaking mapapangasawa mo na astang mayaman, na magaganap sa panahong kapwa na nawala ang ka-relasyon mo sa ngayon.” Ito ang nais sabihin ng mga barahang Queen of Spades, Jack of Clubs at King of Hearts.
Itutuloy….
Mas masaya sa ka-relasyong tomboy
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...