Epy: Wag ikulong ang drug user, parusahan ang mga pusher!

 

PAYAG si Epy Quizon na magpa-drug test anumang oras gamit ang kanyang blood sample. Suportado rin ng aktor ang matinding kampanya ng Duterte administration laban sa ilegal na droga.

“Ako, honestly, maganda yung…ngayon pa lang magpa-blood test na. Ako, I’m willing to do a blood test para hindi ka mamarkahan.

“Kasi, like, I did that before, I had my share of drugs. Matagal na, ano pa ako, freshly graduate,” pag-amin ng anak ni Comedy King Dolphy nang makapanayam ng ilang miyembro ng entertainment media sa presscon ng bagong GMA drama series na Oh My Mama starring Inah de Belen, Jake Vargas and Jeric Gonzales.

Hirit pa ni Epy, “Basta ang sa akin lang, ang pananaw ko riyan, don’t jail the user, jail the pusher! Iyon talaga ang stand ko. I mean, wala namang kasalanan yung mga gumamit, di ba?

“They did it for fun and they did it for leisure probably. Pero now that the law says it’s a sin, now there’s a law that is actually really being implemented. Law was not implemented before the way it should be.

“And now that the law is being implemented passionately, then it’s the time for us to, like, really, really consider our lifestyle, di ba? I mean, if you are a user, then I guess it’s time for you to like really change your ways, di ba?” mahabang sey ng aktor.

Ano naman ang maipapayo niya sa mga taong sangkot sa droga, lalo na ang mga celebrities? “Well, value your life! Di ba? Now, literally, value your life. Ngayon kasi, medyo dangerous times, dangerous times for playing around with that.

“Ngayon, life cannot be replaced by leisure. You have to really value your life. Before, sasabihin nila na nakakasira ng buhay. Actually ito, nakakawala na ng buhay! Yung nangyayari ngayon,” aniya pa.

Anyway, gaganap na namang bading si Epy sa GMA afternoon series na Oh My Mama, siya ang magiging “nanay-nanayan” ni Inah sa kuwento. Magsisimula na ang Oh My Mama sa Sept. 19.

 

Read more...