PERA na, naging bato pa. Kung pinag-ingatan lang sana ng isang male performer na halos kalimutan na ng kasaysayan ng musika ang kanyang ikalawang pagbabalik, di sana’y maayos pa rin ang buhay niya ngayon, di sana’y hindi siya nganga.
Pero sa halip na pahalagahan ang kanyang ikalawang sultada ay nagmalabis pa siya, umiral ang sobrang katamaran, kaya ano’ng nangyari sa kanya?
Marami na ngang nagtulung-tulong para mabigyan siya ng magandang kapalaran, maraming nagsakripisyo para maiayos ang kanyang career, pero talagang kapag walang
disiplina ang tao ay bitbit niya ‘yun kahit saan.
Kuwento ng isang source, “Sobrang nganga ngayon si ____ (pangalan ng male performer na impernes ay nakilala nang husto nu’ng kanyang kapanahunan), halos makikain na lang siya sa maliliit na bar para lang mairaos ang gutom niya!
“Kung saan-saan siya makikita, bagsak na ang premium niya, makiki-jam siya, pakakainin at paiinumin ng owner ng bar, ‘yun na!
“Kung binigyan lang sana niya ng importance ang pagbabalik niya, e, di sana, okey na okey pa rin siya hanggang ngayon, hindi ‘yung ganyan na tsibug lang ang kapalit ng pakikipag-jamming niya!” napapailing na kuwento ng aming impormante.
Bongga ang naging pagbabalik ng male performer na ito. Nagkaroon siya ng mga concert, gumawa pa siya ng TVC kasama ang isang napakalaking personalidad sa linya nito, nagkamal ng salapi ang male singer.
“Iniaayos na sana ng mga tumutulong sa kanya ang magiging future niya ngayong matanda na siya, pero ano ang mas inuna niya? Puro bisyo pa rin! Alak, babae at ang bisyo niyang hindi maialis-alis, kaya ayan, ano na tuloy ang buhay niya?
“Nakikiusap na lang siya sa mga promoters na bigyan siya ng show sa kahit magkanong halaga na lang! Bradly Guevarra, ayaw mo sa ganyang pasaway, di ba?
“Meron pa kaya siya ngayong waley na waley na ang career niya at kung saan-saan na lang siya nakikita? Waley na!” pagtatapos ng aming source.