KUNG true ang chismax na nakalap namin, matatagalan pa raw bago bumalik ng bansa (baka tuluyan ng magliwaliw kung saan-saan) ang isang dating kilalang showbiz celebrity na pinaghihinalaang sangkot umano sa drug operations sa showbiz.
Worried na worried daw ang mga kaanak nito kaya’t sinang-ayunan na lang nila ang pagbabakasyon nito abroad, para nga makaiwas sa anumang posibleng mangyari sa kanya.
Sa tindi ng kampanya ng gobyerno laban sa droga, hindi maikakailang nakasentro na ang operasyon ng PNP sa mga taga-industriya. Hala!
MOST READ
LATEST STORIES