Vina sinampahan ng 3 bagong kaso si Cedric; Bernice Lee damay

vina morales at cedric lee

NAIKUWENTO ni Vina Morales sa ilang miyembro ng entertainment press na bumisita sa last taping nila para sa seryeng Born For You (na natapos na kagabi) na sinampahan siya ng sandamakmak na kaso ni Cedric Lee, ang ama ng anak niyang si Ceana.

Kabilang na rito ang 5 counts of libel at perjury sa Nueva Ecija, Parañaque City at Caloocan City. Pero sabi ni Vina naniniwala siya na makakamtan din nila ang katarungan.

Nitong Huwebes ng hapon ay si Vina naman ang nagsampa ng reklamo laban sa magkapatid na Cedric at Bernice Lee sa Mandaluyong City court ng kidnapping, illegal detention at violation of Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 kasama ang legal counsel niyang si Atty. Lucille Sering.

Sabi ni Vina, “Ayoko sanang ikuwento ito kasi gusto ko tahimik lang, pero lalabas din naman ito at malalaman mo sa ibang reporters.”

Hihintayin pa ng singer-actress kung sinong fiscal ang hahawak ng mga kaso dahil ira-raffle pa raw sa korte. Habang sinusulat namin ang balitang ito ay naghahanda na si Vina sa live finale episode ng Born For You na ginanap kagabi sa KIA Theater.

Read more...