Ai Ai lalaban sa biritan, Lani aariba sa pagkokomedya

lani misalucha at ai ai delas alas

NGAYONG gabi na ang concert ng dalawang performers na siguradong magsasabog ng aliw sa KIA Theater, sina Ai Ai delas Alas at Lani Misalucha, hindi namin palalampasin ang kanilang pagtutuos.

Ibang klase silang mag-perform, may kani-kanyang lakas sina Ai Ai at Lani, siguradong maganda ang palabas na ito.

Natural, nasa pagkokomedya ang tutok ng Philippine Comedy Queen, pero huwag maliitin ang kanyang kapasidad dahil kahit mahihirap na piyesa ay nabibigyan ng hustisya ni Ai Ai.

May kukuwestiyon pa ba naman sa galing sa pagbirit ni Lani Misalucha? Pero may bonus pa ‘yun, tulad ni Ai Ai ay matindi rin ang kapit nito sa pagkokomedya, du’n aliw na aliw sa kanya ang mga Pinoy at banyaga sa Las Vegas.

Bibihira lang mangyari ang kanilang pagsasama dahil pareho silang abala sa kani-kanilang linya, kaya katangi-tangi ang gabing ito sa KIA Theater, matagal pa bago maulit uli ang kanilang pagsasama.

Makipagsabayan kaya sa pagbirit si Ai Ai kay Lani? Bakit ang hindi? Kaabang-abang ang kanilang pagtutuos.

Mamayang gabi na ‘yun sa KIA Theater, pupunuin nila ng aliw ang gabing ito, sa totoong-totoo lang.

Read more...