Mga sikreto nina Raymart, Gary at Dennis ibinuking ni Regine

regine group

ANG mga heartthrob ng dekada 90 ang dadalaw sa bahay ni Asia’s Songbird Regine Velasquez ngayong umaga sa favorite n’yong cooking show with a big twist, ang Sarap Diva.

Makikichika at makikiluto kay Regine ang magagaling na aktor na sina Gary Estrada, Raymart Santiago, at ang kuwelang si Dennis Padilla.

Sila ang magpapatunay na age doesn’t matter, dahil hanggang ngayon kayang-kaya pa rin nilang magpakilig.

Maraming bukingang magaganap at mabubunyag na sikreto ng nakaraan sa nakakalokang interview ng Songbird.

Siguradong mapupuno na naman ng good vibes ang inyong tahanan sa kanilang mga punchlines. At para sa masarap na pananghalian si Raymart siyempre ang sagot sa kusina sa isang pasiklab na beef dish!

Easy to prepare, healthy, at magugustuhan ng mga kids. Bukod dito, ,ay mga pasiklab ding inihanda sina Gary at Dennis.

Kaya huwag na huwag palalampasin ang isa na namang nakatutuwang episode ng Sarap Diva ngayong Sabado pagkatapos ng Maynila.

Read more...