#GoodVibesPaMore!
Eto ang pampa-good vibes.
Sa halip na ibulsa ang perang naiwan ng isang kongresista upang punan ang pangangailangan ng kanilang pamilya, isinoli ito sa may-ari ng dalawang janitor.
Nagkakahalaga ng P19,500 ang pera na naiwan ni Cebu Rep. Jonas Cortes sa kanyang upuan sa plenary session hall noong Setyembre 13.
Habang naglilinis ay nakita ito nina Crispin Jasanero, at Michael Mark Quimora, ng Janitorial Services ng Kamara.
Sa halip na ibulsa, dinala ito ng dalawa sa tanggapan ni Cortes.
Sumulat naman si Cortes kay House Secretary General Cesar Pareja upang ipaalam ang kabutihang ginawa ng dalawa.
“(They) went to my office and returned the above mentioned amount to my office without asking for any reward,” saad ng sulat. “There can be no better way to appreciate someone for their integrity and honesty. A simple thank you would not be enough to recognize the honesty shown by our employees here at the House of Representatives.”
Hiniling ni Cortes kay Pareja na kilalanin ang ginawa ng dalawa, na mas malaki umanong gantimpala kumpara sa anumang bagay na maaari nilang matanggap.
“Please consider honoring these employees as they are the epitome of integrity and honesty in the service, whose action today matter most to the other employees. I believe it is the acknowledgement of the act which is more important than the letter or any reward we may decide to give to our honest employees.”