Script writer biglang bawi: Idustriya ng tabloid malaki ang kontribusyon sa lipunan

NAG-apologize na si Suzette Something after her now infamous line “may nagbabasa pa ba ng tabloid?”
“Ay ano pong nangyari? I apologize kung kayo ay nahurt sa post na yan na matagal na pero hindi po iyan para sa lahat at sagot po iyan sa isang masakit na attack laban sa akin kung ichecheck nyo.
“Halos kilala ko po kayong lahat at wala akong masasabi sa inyo na masama…yan pong post na yan ay patungkol lang sa isang tao at sa isang isyu na ako ay inatake.
“Hindi po ako naglalayon ng anupaman, ako po ay sinaktan lang sa isang article kaya ako ay sumagot lang sa isang tanong at depensa lamang po iyon sa sarili. Maling depensa, oo, lalo at pati kayo na walang kinalaman ay nasaktan.
“At maging ang industriya ng tabloid, na alam ko namang malaki ang kontribusyon sa lipunan ay nasaktan pa ata sa katabilan ko, pasensya, tao lang po.
“Muli, i apologize sa inyo at i assure you na di ko po kayo nais saktan. Wala po kyong ginagawang masama sa akin. Wala po akong k na magmataas at di naman po ako ganun din. Pasensya kung madamay kayo. Muli, di ko po nais makasakit. Pasensya. From the heart. Thanks.”

Yan ang apology ng GMA 7 writer na kung hindi pa yata niya nabasa ang reaction ng mga taga-tabloid ay hindi pa siya magso-sorry.
“Tumutulong ang mga tabloids para ma-promote at mag-rate ang mga shows na sinusulat mo. Karamihan ay tabloid writers pa rin ang iniimbita sa presscon ng GMA 7 kaya naniniwala pa rin sila na malaki ang naitutulong sa promo ang mga tabloids. Sa madaling salita, marami pa ring nagbabasa ng mga tabloids….Hinay-hinay lang di ba,” say ng colleague nating si Roldan Castro.
“Matagal nang mayabang ang babaeng iyan – what’s her name again? please forgive me of my INSTANT memory loss pag siya na ang pinag-uusapan. Feeling kasi niya she’s God’s gift to the industry. pleassssssse lang, girl. you are a namey in this industry. Nakalagpas lahat ng tv scripts mong di natandaan ng mga taong ikaw pala ang sumulat. kasi nga hindi ka important – short of saying you don’t really exist honey.
“Hindi ka kasi ganoon kagaling at hindi ka nagmamarka. pag pinatulan mo ang babaeng ito, para kang pumatol sa papel na walang kabuhay-buhay. baka gusto lang pag-usapan para makilala. such a waste of energy,” mataray na comment naman ni Jobert Sucaldito.
“Hey, i remember this doctolero. ito yung umaway kay demigod (ng mga indie filmmaker) lav diaz noon sa regal. binato ng itlog si lav dahil binago raw ang script niya. now, whose film won best picture at venice filmfest, the oldest and one of the most prestigious in the world?” recalled tabloid editor Eugene Asis.

Read more...