Sey ni Ai Ai: Sarap magmura…kelan kaya tayo aayos at mawawalan ng reklamo?

aiai delas alas

ISA ang Philippine Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa mga artistang nairita at naimbiyerna sa naganap na Senate inquiry the other day about the controversial issue ng extrajudicial killings.

Dito lumantad ang isang diumano’y ex-member ng Davao Death Squad na nagsabing saksi siya sa mga pinaggagagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte noong mayor pa ito ng Davao.

Narito ang kabuuan ng Instagram post ni Ai Ai, “Ito lang ang masasabi ko sa araw na ‘to habang nanonood ako ng probe…Naalala ko tuloy nung nagsu- show dati first show ko sa FOLK ARTS THEATER — ako si INANG BAYAN DUN SA NUMBER, ANG DIALOG KO ETO ‘PUNYETA PAGOD NA PAGOD NA AKO.’

“Eto na naman naramdaman ko habang nanonood na naman ako ng TV — kelan kaya tayo AAYOS, KELAN KAYA TAYO WALANG REKLAMO?

“Napakahirap ng katayuan ng presidente naten. Ang wish ko lang sana naman dumating ang time sa bansang ito na tahimik na muna at hayaan natin ang LEADER NATEN NA AYUSIN ANG BANSA NATEN.

“SaRAP MAG MURA KAYA LANG GOOD VIBES NA MUNA…next time na lang. Hehehe!”

Read more...