Kris handa nang labanan sina Karla, Jolina at Melai

kris aquino

AFTER having sought refuge in another station, ang awtomatiko nang tanong ay saang show ng APT Entertainment mapapanood si Kris Aquino?

Ito ang pinaputok na scoop ni Tita Cristy Fermin sa radio program na “CFM” nitong Miyerkules (huwag lang magkaroon ng ilang minor changes): as an act of defiance, makakatapat nito ang Magandang Buhay sa timeslot ng kanyang dating programa.

Kung kami ang tatanungin, the exciting is yet to begin. Kapana-panabik ang pagtatapat ng dalawang programa: on one side, ang mga dating guest lang ni Kris ang siya niya ngayong tinapatan. Sabi nga namin, call it reversal of fortune.

At kung kilala namin ang kamada ng ABS-CBN, matagal na silang handa for this inevitable occurrence on TV. With its preparedness comes its well-planned strategy like bringing in the Trojan horse to the city of Troy.

Ang Dos pa ba naman ang papayag na natutulog sa pansitan ang kanilang mga kawal? Under an imminent siege, hindi pa man ay nakaumang na kay Kris ang kanilang mga sandata.

Mas hamon ito para kay Kris as she’s the one putting up a battle. Mas dapat niyang pagandahin at gawing mas katutuk-tutok ang kanyang one-woman show than its rival in terms of content never before experimented on daytime TV.

Tatlo laban sa isa seems to be a lopsided fight, ergo, triple rin naman ang effort niya para ipamukha sa ABS-CBN that letting go of her was the most unwise decision that it has ever made.

And for her to succeed, isang fundamental lesson muna ang dapat aralin ni Kris: ang matutong makisama sa kanyang mga katrabaho with a diverse network culture.

If she got used to pushing people around noong nasa ABS-CBN pa siya, this whimsical attitude she has to strip herself of first. Isang malaking GOOD LUCK!

Read more...