Alaska Aces, NLEX Road Warriors hangad ang krusyal na panalo

Mga Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
4:15 p.m. Alaska vs NLEX
7 p.m. Rain or Shine vs Star
Team Standings: TNT KaTropa (9-1); Barangay Ginebra (8-2); San Miguel Beer (7-3); Meralco (6-5); Mahindra (6-5); Alaska (5-5); NLEX (5-5); Phoenix Petroleum (5-6); Rain or Shine (4-6); GlobalPort (4-7); Star (2-8); Blackwater (1-9)

MAGIGING mahigpit pa ang labanan papasok sa playoffs sa pagsalang ng dalawa sa apat na koponang palaban pa para sa twice-to-beat advantage at isa pang squad na magpipilit na manatiling buhay sa mga krusyal na laro ngayon ng 2016 PBA Governors’ Cup elimination round sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Unang magsasalpukan ang Alaska Aces at NLEX Road Warriors dakong alas-4:15 ng hapon kung saan ang magwawagi ay magkakaroon ng tsansang makaabante sa isang knockout game para sa top four berth.

Tatangkain naman ng Rain or Shine Elasto Painters na manalo kontra sa Star Hotshots sa kanilang laban alas-7 ng gabi kung saan umaasa silang manatiling buhay ang tsansang makausad sa susunod na round.

Ang magwawagi sa labanang Alaska-NLEX ay makakasalo ang Meralco at Mahindra para sa No. 4 spot.

Sakaling magkaroon ng three-way tie, ang Bolts, na mabibiyayaan ng superior quotient matapos na talunin sa elims ang NLEX, Alaska at Mahindra, ay makakasagupa sa isang KO match ang team na may second best quotient sa tiebreak. Ang mananalo ay mananatili sa No. 4 spot at ang matatalo ay babagsak sa No. 5.

Ang TNT KaTropa, Barangay Ginebra, San Miguel Beer at ang No. 4 team ay may twice-to-beat advantage sa next round.

Read more...