Movie Review: Korean movie ‘Train to Busan’ patok na patok sa Pinoy | Bandera

Movie Review: Korean movie ‘Train to Busan’ patok na patok sa Pinoy

- September 15, 2016 - 08:49 PM

train to busan

USAP-USAPAN ngayon sa social media, sa mga umpukan, sa LRT at MRT ang Korean movie na ‘Train to Busan,’ na pinagbibidahan ng sikat na Korean star na si Gong Yoo na nakilala sa sumikat na Koreanovela na ‘Coffee Prince.’
Noong isang linggo pa ipinalabas ang ‘Train to Busan’ sa Pilipinas at hanggang ngayon ay pinipilahan pa rin sa mga sinehan dahil sa ganda ng pelikula.
Dahil in ngayon ang tema ng zombie, nagtagumpay ang producer at director ng ‘Train to Busan’ na maging patok sa buong mundo.
Hindi ba’t hanggang ngayon ay tinatangkilik ang US zombie series na ‘Walking Dead’ at ngayon ay ipinapalabas na rin sa isa sa lokal na channel sa Pilipinas at isinalin pa ito sa Filipino
Gaya ng pamagat ng pelikula, 98 porsiyento ng ‘Train to Busan’ ay nangyari sa loob ng tren.
Umabot ng mahigit 157 minuto ang pelikula pero dahil sa bilis ng pacing nito ay hindi mo mamamalayang na medyo mahaba pala ito.
Napakagaling din ng batang artista sa pelikula na si Kim Soo-Ahn.
Magagaling din ang iba pang cast ng pelikula. Kung medyo magaan ang luha mo ay mapapaiyak ka rin dahil sa kwento.
May kakaibang istilo rin ang director ng pelikula kung saan ginawa niyang palaisipan ang puno’t dulo ng epidemiya ng zombie.
Maraming aral ding iniwan ang pelikula. Kabilang sa tumatak sa akin ay ang pagtutulungan, pagkalinga sa kapwa, pagmamahal sa isa’t isa ng isang pamilya at siyempre ang masamang epekto ng pagiging ganid sa ngalan ng pera.
Dapat ay panoorin ng mga lokal na film producers ang pelikula para makapagbigay ng insipirasyon sa kanila at makagawa rin ng magandang suspense, thriller na pelikula.

Halatang hindi rin tinipid ang pelikula. Sa dami ng ekstra na gumanap sa pelikula bilang zombie ay talagang napaka-realistic nito.
Bato na lamang ang hindi mapapasigaw dahil sa kapana-panabik na bawat eksena ng pelikula.
Sa iskor na 1 hanggang 10, kung saan 10 ang pinakamataas, bibigyan ko ng perfect 10 ang pelikula.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending