Chiz walang share sa bagong bahay ni Heart

HEART EVANGELISTA AT CHIZ ESCUDERO

HEART EVANGELISTA AT CHIZ ESCUDERO

GAMIT pambahay naman ang binabalak na project ni Heart Evangelista-Escudero. Tapos na kasi ang exhibit niya ng hand-painted branded bags at collaborations sa isang lipstick at perfume brand.

“I’m still fixing that but I’m meeting with them soon. Siguro the home stuff is kasi I’m building a house. I’m so excited about it,” pahayag ni Heart.

Hopefully, makalipat na si Heart sa bagong bahay this January, 2017. Nasa finishing stage na ito at siyempre, isa sa mga hinihingan niya ng suggestions sa mga bagay na nais niyang maging bahagi ng bagong house ay ang asawang si Sen. Chiz Escudero.

In case you don’t know, may pre-nuptial agreement sina Sen. Chiz at Heart kaya pera ng Kapuso actress ang ginamit niya sa pagpapatayo nito.

Pero may rooms din ang kambal na anak ng asawa sa ipinatayong bahay ng Kapuso actress-visual artist, huh!

Read more...