Ikatlong sunod na panalo natuhog ng DLSU Green Archers

Mga Laro sa Sabado
(Araneta Coliseum)
2 p.m. UST vs UP
4 p.m. Ateneo vs Adamson
Team Standings: La Salle (3-0); NU (2-0); Ateneo (2-1); Adamson (1-1); UST (1-2); FEU (1-2); UE (0-2); UP (0-2)

TINURUAN ng matinding leksyon ng De La Salle University Green Archers ang nakasagupang season host na University of Santo Tomas Growling Tigers Miyerkules ng gabi matapos itala ang 100-62 panalo upang solohin ang liderato ng UAAP Season 79 men’s basketball sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Iniwanan muna ng Green Archers mula sa mahigpit na 44-35 iskor ang Growling Tigers sa ikatlong yugto upang ihulog ang 29-12 atake para maitala ang 73-49 abante sa pagtatapos ng quarter bago nito tuluyang sinimentuhan sa ikaapat na yugto upang angkinin ang ikatlong sunod na panalo.

Nilimitahan ng La Salle sa dalawang puntos lamang sa unang anim na minuto ng ikaapat na yugto ang UST para iposte ang 88-51 abante bago itinala ang pinakamalaki nitong kalamangan na 41 puntos mula sa isang tres ni Richie Rivero, may 3:46 pa sa laro para manatiling isa sa dalawang koponan na may malinis na karta.

Pinamunuan ni Ben Mbala ang La Salle na may team-high 18 puntos katulong sina Jeron Teng na may 13 puntos, Thomas Torres na may 11 puntos at Abu Jahal Tratter na may 10 puntos.
Namuno para sa UST si Renzo Subido na may 18 puntos.

Sa unang laro, dinomina naman ng Ateneo de Manila University Blue Eagles ang defending champion Far Eastern University Tamaraws, 76-71.

Nagawang itala ng Blue Eagles ang 18-10 abante sa unang yugto ng laro at hindi na nito pinabayaan ang kalamangan upang itala ang ikalawang panalo sa tatlong laro habang pinasadsad naman nito ang Tamaraws sa pinakamasaklap na simula na ikalawa nitong pagkatalo kontra sa isang panalo.

Huling nagawang itabla ng Tamaraws ang laban sa 66-all, may 2:15 pa sa laban, bago na lamang gumanti ang Blue Eagles sa limang sunod na puntos mula kay Thirdy Ravena at nakumpletong three-point play mula kay Anton Asistio sa natitirang 1:22 segundo upang sandigan nito tungo sa maigting na panalo.

Mga iskor:

First Game
Ateneo (76) – Ravena 17, Wong 13, Mendoza 10, Nieto Mi 9, Ikeh 8, Asistio 7, Nieto Ma 5, Babilonia 2, Go 2, Black 2, Tolentino 1, Porter 0, Verano 0, Ildefonso 0
FEU (71) – Comboy 20, Jose 16, Orizu 16, Escoto 7, Bayquin 4, Nunag 4, Dennison 2, Holmqvist 2, Trinidad 0, Inigo 0, Arong 0, Roxas 0, Tuffin 0, Ebona 0
Quarter scores: 18-10, 37-27, 58-47, 76-71
Second Game
La Salle 100 – Mbala 18, Teng 13, Torres 11, Tratter 10, Melecio 8, Montalbo 8, Sargent 7, Go 7, Rivero R 5, Caracut 5, Rivero P 3, Paraiso 3, Baltazar 2, Dyke 0
UST 62 – Subido 18, Sheriff 11, Faundo 5, Vigil 5, Basibas 5, Afoakwah 4, Lao 4, Macasaet 3, Bonleon 3, Caunan 2, Huang 2, De Guzman 0, Lee 0, Arana 0
Quarter scores: 23-19, 44-35, 73-49, 100-62

Read more...