Ang Boyfriend na ba ang makakatuluyan? (2)

Sulat mula kay Joana Marie ng Matalava East, Lingayen, Pangasinan
Problema:

1. Maraming beses na akong nabigo sa pag-ibig at sa ngayon sa edad kong 32, may boyfriend ako at dahil nasa tamang edad na ako gusto ko na sanang mag-asawa. September 14, 1984 ang birthday ko at ang boyfriend ko naman ay January 17, 1988 ang birthday. Gusto ko po sanang malaman kung compatible ba kami?
2. At kung kami na ang magkakatuluyan, ayaw ko na kasing matulad siya sa mga dating naging boyfriend ko na bigla na lang nawawala. Siya na ba ang mapapangasawa ko at kapag kami ang nagkatuluyan, magiging masaya at magiging pang habang buhay ba ang aming pagsasama?
Umaasa,
Joana Marie ng
Pangasinan

Solusyon/Analysis:

Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) at Capricorn naman ang boyfriend mo, ang nagsasabing compatible kayo, dahil ang Virgo at Capricorn ay may iisang elementong tinataglay ang element earth o lupa. Ibig sabihin kapag kayo ay nagsama at nagkatuluyan siguradong magiging maunlad at maligaya ang itatayo ninyong pamilya.

Numerology:
Compatible din ang birth date mong 14 sa birth date na 17 ng boyfriend mo dahil ang 14 ay may planetang Mercury at ang 17 ay may planetang Saturn, kung saan, ang pagsasama ang Saturn at Mercury ay lagi ng tinatayang makabuluhan at masagana.

Luscher Color Test:
Kapwa naman kayo mapalad sa kulay na silver, blue, at dilaw. Ito ang gamitin nyong kulay sa araw ng inyong kasal, upang matiyak ang isang masagana at maligayang pagmamahalan habang buhay.

Huling payo at paalala:
Joana Marie ayon sa iyong kapalaran, kung nabigo ka sa mga nagdaang pag-ibig, kung baga sa kalangitan, sa pagpasok ng taong 2017 sa edad mong 33 pataas, tuluyan ng mapapawi ang ulap upang umaliwalas na ang kalangitan, – nagbababya ng isang panahon sa iyong buhay na mapupuno ng kaligayahan at ito ay magaganap sa taong 2018, sa edad mong 34 pataas, sa sandaling nakasal na kayo ng kasalukuyan mong boyfriend kung saan, tuluyan na kayong makabubuo ng isang maligayang pamilya na magiging pugad ng inyong pang habang buhay na pagmamahalan.

Read more...