Duterte ipinag-utos ang pagbomba sa mosque, patayin ang mga Muslim-ayon sa dating miyembro ng DDS

rodrigo duterte

NAGPASABOG ang isang testigo na kung saan inakusahan niya si Pangulong Rodrigo Duterte, na noo’y dating mayor ng Davao City, na nag-utos na bombahin ang isang mosque noong 1993 at patayn ang mga Muslim.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado kaugnay ng mga extra judicial killings, iprinisinta ni Sen. Leila de Lima si Edgar Matobato, na nagsabing dating siyang miyembro ng Davao Death Squad (DDS).
Sinabi ni Matobato na dati siyang miyembro ng Cafgu (Citizen Armed Force Geographical Unit) hanggang maging mayor si Duterte noong 1988 at kinumbinsi siyang sumali sa grupong tinawag “Lambada boys.” Ayon sa kanya, may pitong miyembro lamang ang grupo, kabilang siya.

“Ang trabaho namin ay pumatay ng mga kriminal katulad ng drug pusher, rapist, snatcher. Ganyan ang pinapatay namin araw araw,” sabi ni Motobato.
Aniya, kinalaunan ay tinawag ang grupo na DDS, na siyang responsable sa mga extrajudicial killings sa Davao City.
Idinagdag ni Matobato na noong 1993, mas maraming sumaling miyembro, kasama na ang mga dating rebelde at pulis.
Sinabi pa ni Matobato na noong 1993 rin binomba ang Davao Cathedral Church.

“Omorder naman si Mayor Duterte na masakerin yung mga moske ng mga Muslim,” ayon pa kay Matobato.

“So, mayroon kayong binomba, inutos kamo ni Mayor Duterte. Pag sinabi n’yong Mayor Duterte, yung dating mayor ng Davao?” tanong ni de Lima kay Matobato.
Sumagot naman si Matobao ng “yes.”
Ayon kay Matobato, nasa iisang kuwarto siya nang ipag-utos ni Duterte ang pambobomba sa mosque.
“Kasi parang gumaganti s’ya na binomba ang cathedral. Para na rin kaming terrorist, Ma’am, kasi hindi naman kasali yung bobombahin yung mga Musim,” kwento pa ni Batobato.
Sinabi ni Matobato na ipinaaresto at pinapatay ni Duterte ang mga suspek na Muslim.

“Inaabangan namin ang mga Muslim doon, pinagdudukot namin, pinagpapatay namin, nilibing namin sa mga quarry,” sabi ni Matobato.
Ani Matobato, kabilang umano sa kanilang napatay ay isang Salik Makdum, na ayon sa kanya ay dinukot sa Island City of Samal sa 2002.

Sinabi pa ni Motabato na iprinisinta nila si Makdum sa noon ay Davao PAOCTF head at ngayon ay Philippine National Police (PNP) Chief Ronald de la Rosa. Aniya, pinatay nila si Makdum at inilibing sa isang quarry na pag-aari ng isang pulis.

Read more...