IT’S official, ang pelikula ni Brillante Mendoza na “Ma’Rosa” ang siyang pambato ng Pilipinas para sa Foreign Language Category ng Academy Awards.
Ang “Ma’Rosa” ang pelikulang nagbigay ng karangalan sa bansa sa pamamagitan ng aktres na si Jacklyn Jose na nag-uwi ng Best Actress award mula sa Cannes Film Festival at kasalukuyang ipinalalabas sa Toronto International Film Festival.
Napili ang “Ma’Rosa” mula sa walong pelikulang ikinonsiderang ilaban sa Oscars, kabilang dito ang pelikula ni Lav Diaz na “Hele Sa Hiwagang Hapis” (Lullaby to Sorrowful Mystery) at ang pelikula ni Erik Matti na “Honor Thy Father”.
Ilang pelikulang Pilipino ang umani ng tagumpay sa iba’t ibang international awards mula sa Berlin, sa Cannes at kamakailan lang ay sa Venice.
Ang 89th Academy Awards ay gaganapin sa Feb. 26, 2017.
Ang pelikulang “Ma’Rosa” ay kwento ng isang babaeng drug pusher sa squatters area.