HOW sad naman na ipinost ng isang GMA writer sa social media ang isang sweeping statement when her object of disgust ay intended lang para sa kapwa BANDERA columnist naming si Alex Brosas.
Reaksiyon ‘yon ni Suzette Doctolero na, “Nobody reads him…he’s irrelevant.” Okey na sana ‘yung retaliatory post na ‘yon kaso sinundan pa ito ng, “May nagbabasa pa ba ng tabloid?”
Siyempre, may buweltang sagot si Alex (although using a different FB account name).
For sure, Suzette—for all intents and purposes—does not mean to condescend on ALL entertainment tabloid writers. Kay kabarong si Alex lang directed ang kanyang post.
Kaso, nagkomento siya sa paraang nilahat na niya ang mga nagsusulat sa tabloid, worse, undermining the readership of this masa paper.
We don’t intend to insult Suzette’s sensibilities, pareho lang naman tayong nagsusulat, only that she writes scripts most of which have been questioned in terms of originality.
But her materials—sa aminin niya o hindi—whether fresh or otherwise—need a great deal of tabloid exposure para abangan at tangkilikin ng masa which is very captive market ng mga tabloid.
Yes, Suzette, may mga nagbabasa pa ng mga tabloid. At marami. A lot of readers— na mostly ay binubuo ng masa ayon na rin sa demographics—subscribe to this diyaryo today, pambalot ng tinapa tomorrow, binabasa ngayong araw, pantakip ng mga itinumbang kriminal kinabukasan.
This is not to push for greater patronage para sa mga nagsusulat sa broadsheets either (may dual personality ang writer na ito as we also write for one).
Size o sukat lang ng diyaryo ang ipinagkaiba ng mga babasahing ito, but the most of the contents, Suzette, hardly bear much of a difference.
Tinagalog o Tinaglish lang sa tabloid at Iningles lang sa broadsheet. But the effort at skillful writing put in it is practically the same.
As to your works, Suzette, I reserve my comment.