HINDI karamihan pero markado naman ang mga pelikulang naidirihe na ni direk Gil Portes na pinagbibidahan lang naman nina Dolphy, Nora Aunor, Vilma Santos, among others.
Nitong Lunes ay naging panauhin ng programang “Cristy Ferminute” si direk Gil, aligaga sa pagpo-promote ng kanyang latest film starring a lesser minion.
Sa panayam namin ni Tita Cristy sa megman, we posed a hypothetical question: kung sakali bang gagawan ng part 2 ang pelikulang “Markova” ay sino ang nais niyang gumanap bilang orihinal na comfort gay after Tito Dolphy?
“Piolo Pascual,” walang kagatul-gatol na sagot ni direk Gil. Aniya, mas swak sa mga ‘di lantad o openly gay (tulad ni BB Gandanghari) o talagang walang bahid ng kabadingan ang nasabing role.
Direk Gil’s other choice is John Lloyd Cruz. At kung husay rin lang ang pag-uusapan, Piolo and JLC are two of the country’s finest actors anupaman ang ibigay na papel sa kanila.
But the question is, pumayag kaya si Piolo to do the role? Sa pagkakatanda namin may reservation si Piolo sa paggawa ng gay roles. But let’s see baka nagbago na ang pananaw niya about it.