True ba, Ellen Adarna pasaway na anak?

ellen adarna

ANG daming nagsasabi na kamukha ni Sylvia Sanchez si Ellen Adarna kaya sakto raw na siya ang gumanap bilang dalagang Mama Gloria sa seryeng The Greatest Love na umeere ngayon sa ABS-CBN.

Nakakatawa nga bossing Ervin kasi nawala sa isipan namin na si Ellen ang gumanap bilang young Sylvia sa flashback ng TGL kaya nagtanong pa kami sa ating kaibigan at colleague na si ateng Maricris Nicasio

kung ano ang project ngayon ng sexy actress. Ha-hahaha!
Anyway, napanood namin ang video post ni Ellen sa Instagram habang tumutugtog silang mag-ina ng

“Blue Moon” sa piano. Nakakatuwa kasi may iba palang talent ang sexy star bukod sa pag-arte.
Matagal na naming nabalitaang nabibilang si Ellen sa mayaman at nirerespetong angkan sa Cebu kaya nagtataka kami kung bakit mas pinili nitong magbilad ng katawan sa harap ng camera kaysa asikasuhin ang negosyo ng pamilya.

May nakapagsabi sa amin na “pasaway” na anak si Ellen dahil hindi raw nito sinusunod ang mga payo ng magulang.

Uulitin ko bossing Ervin, ano ba ang iba pang project ni Ellen bukod sa pag-apir sa mga flashback ng The Greatest Love?

Read more...