Jericho: Feeling ko hindi bagay ang katawan ko kay Arci!

arci munoz at jericho rosales

HAPPY kami dahil may bago na namang soap opera si Jericho Rosales, indeed one of the country’s best actors and among the very few na very dedicated sa craft nila.

Seeing him once again in a TV series that will surely hit the boobtube, is a moment worthy of every praise. “Iba ang karisma, iba ang hatak,” as agreed by those who already saw the trailer of his latest offering Magpahanggang Wakas.

“Basta nandiyan si Echo, asahan na nating maganda lagi ang materyal, mahusay ang co-stars at laging may bago,” added by one colleague.

Ngayong Sept.19 na magsisimula ang serye after Till I Met You, kung saan first time niyang makakatrabaho si Arci Muñoz, na isa na ngayon sa mga pambatong sexy leading lady ng ABS-CBN.

“Luka-luka, kalog at jologs, but in a very nice and lovable way,” paglalarawan ni Echo sa bagong leading lady niya na mas game na game pa raw maghubad kesa sa kanya.

“Mas maarte pa nga ako kasi totoo namang insecure ako sa katawan ko. Ang feeling ko lalo na kapag may mga intimate scenes, parang hindi bagay ang katawan ko sa kaseksihan ng partner ko,” hirit pa ni Echo.

“Blessed,” ito naman ang feeling ni Arci sa halos sunod-sunod na good projects na naibibigay sa kanya ng Dos simula ng maging Kapamilya star siya.

Makakasama nila sa bagong adult drama series sina John Estrada, Gelli de Belen, Lito Pimentel, Liza Lorena at marami pang iba.

First time ring magkakasama sina John at Gelli sa isang soap na gaganap bilang ex-couple na mai-involve kina Echo at Arci.

This is under the direction of FM Reyes, the hubby of Rita Avila na kasama din sa serye.

Read more...