Boy band na JBK bibida ngayon sa ShowbizLive

Guest ngayong Miyerkules ng gabi sa radio/television entertainment talkshow na ShowbizLive ang emerging boy band na JBK.
Maaring sabihin ninyo na “Da Who” ba naman ang grupong ito?  Gaya naman ng maraming grupo at kilalang artista ang nagsimula sa pagiging “Da Who”, pero basta may talent at charm, hindi malayong mamahalin din sila ng mga manonood.
Ang JBK boy band ay siyang grand champion ng Dreams Get Real:  The Search for the Next OPM Star by McJim Classic, ay binubuo ng tatlong binata na sina Joshua Bulot, Bryan del Rosario and Kim Ordonio.
Naging kasapi ng musical na Rak of Aegis si Joshua na gumanap bilang si Tolits at ngayon ay lead star ng Magdalola of Cinema One Originals. Si Bryan naman ay former Mr. Pastillas candidate. Isang commercial model at computer science graduate naman si Kim.
Kilala ang JBK sa kanilang mga OPM song covers, na naging viral naman sa social media. Tinatawag din silang #FireExitBoys dahil madalas nilang gawin sa mga fire exit ng mga condo ang kanilang mga cover video.
Ang latest nila ngayon ang Damang-dama kung saan pinapamahagi nila ang good vibes.
Abangan kung anong mga kwento ang ma-ishashare nila sa ShowbizLive alas-8 ng gabi sa Radyo Inquirer, at mapapanood sa Inquirer.Net FaceBook, Periscope at digi boxes TV.
Ang ShowbizLive is hosted by Bandera Entertainment Editor Ervin Santiago and Entertainment reporter Izel Abanilla.

Read more...