Inah de Belen: Mahirap pantayan si Ms. Maricel!

inah de belen at maricel soriano

UMAYAW sa simula si John Estrada na Inah de Belen ang gamiting bagong screen name ng anak. Pero sa naging rason ng anak na marami na raw Estrada sa showbiz kumpara sa de Belen na dalawa lang (ang inang si Janice at tiyahin na si Gelli), nakumbinse rin niya ang ama na De Belen na ang gamitin niyang surname.

Sa totoo lang, batang tingnan si Inah sa presscon ng debut series niya sa GMA na Oh, My Mama. Ito ang TV adaptation ng Regal movie noon na pinagbidahan ni Maricel Soriano. Twenty two years old na si Inah kaya swak na sa kanya ang role na ina-inahan ng apat na bata.

“Iba naman po ang magiging atake ko sa role ko. Hindi ko naman po puwedeng pantayan si Ate Maricel. Sa tulong ng co-stars ko at director, I hope na maitawid ko ang role,” pahayag ni Inah.

Saksi naman ang senior stars na sina Gladys Reyes at Epy Quizon na siyang makakasama niya sa maraming eksena sa galing ni Inah. Ayon kay Epy, nangungusap ang mata ng dalaga at ang galing umiyak. Sa panig naman ni Gladys, binigyan niya ng rating na 7 si Inah out of 10 at malaki pa raw ang puwedeng i-improve nito sa acting.

Sa Sept. 19 na magsisimula ang Oh My Mama after ng Eat Bulaga sa GMA.

Read more...