Serye nina Kris, Dingdong, Alden at Maine hinarang agad

kris dingdong maine aldenLIKE what we reported more than two weeks ago, usap-usapan sa showbiz ang P800 million contract na nakatakda raw pirmahan ni Kris Aquino sa GMA 7.

Nakakaloka na pati sa taping ng isang show ni Solenn Heussaff ay hot topic si Kris. Isang make-up artist yata ang kiyaw-kiyaw nang kiyaw-kiyaw about Kris’ projects sa Siyete.

Say ng bading sa background, magsasama raw sina Kris, Alden Richards and Maine Mendoza (AlDub) at Dingdong Dantes. Si Kris na rin daw ang papalit sa timeslot ng non-rating show ni Marian Something na Yan Ang Morning at magkakaroon pa raw ito ng weekly game show.

Sari-sari ang reaction sa issue when Solenn’s video surfaced sa isang popular website.

“Noooooo!!! No Kris please! Let Alden and Maine be the main stars sa teleserye nila! Tingin niyo papayag si Kris A na supporting role lang siya. She’s gonna make that TS all about herself!

“Can she just stick to hosting a morning and game show kung yun plano sa knya. And my gaaaahd! Wala bang ibang artista, jusko puros Dingdong na lang lagi. Hay nako GMA, ewan ko sa inyo!” wailed one fan.

“Eh sino ba yang mga beking nag uusap sa likod ni Solenn? Are they credible about sa future project ni Tetay sa GMA? Parang mga parloristang nagmimiting lang yan eh!” mataray na comment naman ng isang guy.

“Dati naki ride on din si Kris sa My Husband’L lover. Tapos nung bago lang ang JaDine halatang hindi niya masayadong type si Nadine. Tapos naging successful ang teleserye nila ang vocal ni Kris. Kung sino nga ang sikat, nung nalaos si Ai Ai delas Alas si Vice Ganda ang naging close niya dahil nakakaangat na si Vice. Pag na lalaos na ang kaibigan bye bye friendship,” observation naman ng isa pa.

“Don’t get me wrong, dear. I actually like her as a host. Running joke na yan sa showbiz. Kung sinong sikat, yun yung sasamahan ni Kris. To haters, attention seeker but I’m actually happy na lumipat siya ng APT so wag nang magbintang na bitter. Kahit saang sulok ng showbiz, they know how Kris A. plays her game. Can’t blame her, she’s a business woman after all,” said one fan.

Read more...