Inabandonang kahon sa Cebu City nagdulot ng bomb scare | Bandera

Inabandonang kahon sa Cebu City nagdulot ng bomb scare

- September 14, 2016 - 03:32 PM

cebucity

NAGDULOT ng bomb scare at mabigat na daloy ng trapiko ang isang inabandonang kahon sa Barangay Basak San Nicolas, Cebu City, kaninang umaga.

Natagpuan ang karton na nakabalot ng packaging tape sa labas ng Concord Technical Institute sa kahabaan ng Cabreros st. pasado alas-7 ng umaga.

Isang Cabaluna ang tumawag sa  Mambaling Police Station kaugnay ng kahina-hinalang kahon, ayon kay  Councilor Dave Tumulak, city council committee chair on peace and order at deputy mayor on police matters.

Agad na dumating ang mga miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) sa lugar para tingnan ang laman ng kahon.

Wala namang nakitang bomba ang mga pulis sa loob ng kahon, kundi buhangin at mga tatlong pako para sa payong.

“Please stop making false bomb threats. You’re causing the government and the public much inconvenience,” sabi ni Tumulak.

Noong Setyembre 9, inaresto si  Jasmin Sala, isang production worker mula sa Mandaue City, matapos mag-bomb joke Robinsons Place Cebu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending