Lea dedma na sa arestadong utol: Ang sarap talaga ng good news!!!

lea salonga

HIGIT na binigyang-halaga ni Lea Salonga ang karangalang tinanggap kamakailan ng kanyang full-blood brother na si Gerard Salonga kesa sa umano’y half-brother niyang nahuli dahil sa pagkakasangkot sa droga.

Base sa report ng Inquirer, si Gerard ngayon ang pinangalanan na assistant conductor ng Hong Kong Philharmonic Orchestra sa 2016-2017 season. Isa si Gerard sa napili sa 170 applicants mula sa buong mundo.

Dream come true naman para sa younger brother ni Lea ang maging assistant ng HK Philharmonic.
Saad ni Lea sa kanyang Twitter account, “Ahem ahem!!! Ang sarap ng good news!!!” Bago ang pormal na announcement, nagpahaging muna siya Lea sa balita sa kapatid.

After the bad news nga naman about her half brother, magandang balita naman ang ibinahagi ni Lea.
Ang nahuling half brother ni Lea ang pangalawa niyang kapatid sa ama na lumutang. Ang isa pa niyang half brother ay si Gie Kinis na stand up comedian sa Zirkoh at Klownz comedy bars na isa ring magaling na comedy writer.

Read more...