Maritoni natatakot magsalita tungkol sa pinatay na kapatid
AYAW nang magsalita ni Maritoni Fernandez hinggil sa pagkakapatay sa sister niya kamakailan nang dahil sa involvement nito sa bawal na gamot. Mukhang natatakot nga itong makialam pa sa isyu.
Maaaring ayaw nang madamay pa ni Maritoni sa kontrobersiyal na isyung ito kaya mas pinili na lang niya ang manahimik.
Kahapon, nag-issue ng official statement si Maritoni about the death of her sister, aniya, “We ask the public at this time to respect our need for privacy so that we may continue to heal in our own way.
“During this time, we will give due diligence to the investigation process by not making any further statements that may jeopardize the integrity of this inquiry.”
May tsikang mas tumindi pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa mga showbiz personalities matapos mapatay ang kapatid ng aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.