Glaiza ikalawang tatay ang turing kay John Arcilla

glaiza de castro at john arcilla

HINDI lang pala sa fantaseryeng Encantadia ng GMA natatapos ang pagiging mag-ama nina Glaiza de Castro at John Arcilla.

In fact, hindi pinalampas ni Glaiza ang pagpapakita ng kanyang full support kay John nang panoorin niya ang huling gabi ng musical play ng award-winning actor na “Dirty Old Musical”.

Sa kanyang Instagram account, ibinida pa ni Glaiza na isang “proud Hathoria moment” ang mapanood ang si John on stage.

Kasama niyang nanood ng play ang Encantadia director na si Mark Reyes at lighting designer na si Dennis Marasigan. Siyempre, todo ang papuri ng Kapuso actress sa kanyang tatay-tatayan sa ipinakita nitong galing sa stage.

Read more...