Dumating na ang ‘tamang panahon’ para sa Freshmen
IN fairness, talagang may ibubuga ang Pinoy boy band na Freshmen na binubuo ng limang magagaling na singer na may kani-kanya ring style sa pagpe-perform.
Na-meet na namin nang personal ang grupo sa ginanap na presscon para sa first major concert nila sa Music Museum ngayong Sept. 30. Doon namin sila first time napanood na mag-perform. At talagang napanganga kami habang kumakanta sila during the presscon.
Halos lahat ng inimbitang members ng entertainment press sa nasabing mediacon ay iisa ang sinasabi – sana raw ay mabigyan na ng chance ang Freshmen na sumikat talaga dahil sayang ang kanilang mga boses kung hindi mapapakinggan ng buong mundo.
Ang Freshmen ay binubuo nina Derick Gernale, 19, 2nd year college sa Manila Taytana College taking up Mass Communication; Patrick Abeleda, 19, 2nd year college student sa San Beda (Marketing Management); Sam Ayson, 18, 2nd year college sa MINT International School (Graphic Arts); Third Casas, 22, undergraduate in Business Administration sa Aquinas University sa Legaspi, Bicol; at Levy Montilla, 20, 2nd year college sa Centro Escolar University (BS Tourism).
Lahat sila ay tumutugtog ng iba’t ibang musical instruments at marami nang experience pagdating sa pagkata at pagsasayaw. Nag-perform na sila sa iba’t ibang musical shows sa iba’t ibang TV network, bukod pa sa mga shows nila sa iba’t ibang panig ng bansa.
At para sa kaalaman ng lahat, sandamakmak na rin ang awards na natanggap ng grupo, ang latest nga ay ang pagkakasama nila sa 2016 Ten Outstanding Movers of the Philippines (TOMP) mula sa SAVE ME Movement. Naiuwi rin nila ang 2015 Outstanding MTV Breakthrough award at pumangalawa naman sa 2015 Top 5 Music Videos sa Letters & Music Awards ng Net 25.
Noong Oct. 25, 2015 ni-release ang kanilang first original single na “Bumalik Ka Na” kasabay ng MTV nito. Grabe rin ang pagtanggap ng netizens sa version nila ng “Buko” pati na ang collaboration nila sa mga kilalang artists tulad nina Laarni Lozada, Ima Castro, Faith Cuneta at marami pang iba.
At ngayon nga, matapos ang ilang taon sa music industry, mabibigyan na ng pagkakataon ang Freshmen na makapag-perform sa mas malaking venue para na rin sa kanilang loyal supporters, ang “3LOGY” na magaganap na nga sa Sept. 30, 8 p.m. sa Music Museum. Magiging special guests nila sa show sina Sue Ramirez at Garth Garcia.
Part ng proceeds ng show ay mapupunta sa HOPE Foundation (Helping One Person Everyday) lalo na sa mga susunod nitong mga proyekto tulad ng Healing On Wheels, Food On Wheels, Home On Wheels, Justice On Wheels at marami pang iba.
“3LOGY” is produced by Today’s Productions & Entertainment and to be directed by Manu Respall. For ticket inquiries, call Music Museum, or mag-log on sa www.facebook.com/FreshmenOfficial.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.