Mga Laro Ngayon
(The Arena, San Juan)
12 n.n. Lyceum vs Perpetual Help
2 p.m. Arellano vs JRU
4 p.m. Letran vs Mapua
Team Standings: Arellano (12-3); San Beda (12-4); Perpetual Help (11-4); Mapua (9-5); JRU (9-7); Letran (8-8); San Sebastian (6-10); EAC (5-10); Lyceum (5-11); St. Benilde (0-15)
PUNTIRYA ngayon ng University of Perpetual Help Altas na makasama ang Arellano University Chiefs at San Beda College Red Lions sa Final Four sa pagsagupa nito sa Lyceum of the Philippines University Pirates sa 92nd NCAA men’s basketball tournament sa The Arena, San Juan City.
Sinandalan si Bright Akhuetie, naungusan ng Altas ang Jose Rizal University Heavy Bombers, 89-80, sa double overtime noong Biyernes para maselyuhan ang playoff para sa Final Four spot sa tangang 11-4 panalo-talo na kartada.
Kung mananalo sa Pirates, na may 5-11 karta, sa kanilang alas-12 ng tanghali na laro ay makakabalik ang Perpetual Help sa Final Four matapos kapusin noong nakaraang taon.
Matinding laro ang ipinakita ni Akhutie kontra JRU kung saan nagposte siya ng mga game-high na 28 puntos at 18 rebounds.
Subalit lalo pang kuminang si Akhuetie sa ikalawang overtime kung saan naghulog siya ng pitong puntos para selyuhan ang panalo ng Perpetual.
Ang Mapua Cardinals, na kasalukuyang nasa ikaapat na puwesto sa hawak na 9-5 kartada, ay asinta rin ang silya sa Final Four sa pagharap sa defending champion Letran (8-8) sa kanilang alas-4 ng hapon na laro.