Sunshine walang balak iurong ang dedma laban sa asawa | Bandera

Sunshine walang balak iurong ang dedma laban sa asawa

Cristy Fermin - September 13, 2016 - 12:25 AM

sunshine dizon at timothy tan

NAGKAUSAP kami nu’ng isang araw ng isang malapit na kaibigan ni Sunshine Dizon. Kinumpirma nito ang pagwi-withdraw ng abogado ng aktres na si Attorney Claire Castro, pero maayos daw naman ang kanilang paghihiwalay, walang problema sa pagitan nila.

Sinabi rin ng aming kausap na walang katotohanan ang napabalitang amicable settlement sa pagitan nina Sunshine at Timothy Tan, ang ama ng kanyang mga anak, dahil hindi naman salapi kundi emosyon ang sangkot sa kanilang demandahan.

Kuwento ng aming source, “Walang involved na pera sa mga nangyayari ngayon. Ipinahihiram ni Sunshine ang mga bata kay Timothy dahil ang katwiran niya, saanman daanin, e, forever na tatay ng mga bata si Tim.

“Ibinibigay lang niya ang para sa mga anak niya, ayaw niyang lumaki ang mga bata na nagtatanong at baka one day, e, sisihin pa siya for not giving them the chance to be with their father.

“Open si Sunshine sa ganu’n, pero sa reconciliation? Ayokong magsalita about that, anything kasi can happen, pero sa tantiya ko kay Sunshine ngayon, napakalayo sa isip niya ang pakikipagbalikan,” malinaw na komento ng aming kausap.

May mga bago nang abogado ang aktres, tuloy ang mga ihinahain niyang kaso laban kay Tim at sa sinasabing mistress nito na si Clarisma Sison, walang nabago sa nasimulan na niyang mga hakbang laban sa dalawa.

“Sunshine is a very decisive person, may paninindigan siya. Hindi siya makukuha sa mga sweet talk, matindi ang kagustuhan niyang maparusahan ang dapat managot sa mga nangyayari ngayon,” pahabol pa ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending