ABS-CBN nirerespeto ang desisyon ni Kris na lumipat ng TV network

 

MATAPOS mag-post ng kanyang mahabang mensahe si Kris Aquino sa kanyang Instagram account tungkol sa pag-alis niya sa ABS-CBN, nag-issue rin ng official statement ang Kapamilya Network hinggil dito.

Kahapon, sinabi ni Kane Errol Choa, head ng ABS-CBN Corporate Communications, na nirerespeto nila ang naging desisyon ni Kris na lumipat na sa ibang network.

“We thank Kris for the many years that she has been a Kapamilya bringing joy, hope, and inspiration to our viewers worldwide. She will always be a Kapamilya and we wish her well in her new journey,” ayon sa management ng Dos.

Ibinalita ni Kris sa kanyang social media followers na ang talent management na ni Mr. Tony Tuviera ang mangangalaga sa kanyang career.

Isa ang produksyon ni Mr. Tuviera sa mga blocktimers sa GMA 7. Sila ang nasa likod ng mga programang Eat Bulaga, Sunday PinaSaya at Hay Bahay.

Read more...