Makakapasa ba CPA board exam? (2)

Sulat mula kay Rowie ng Diaz Subdivision, Lagao, Gen San City

Problema:
1. Ako ay isang single mom, pero kahit na may anak na ako hindi ako naghinto sa pag-aaral, sinikap kong makatapos at sa tulong ng mga magulang ko at mga kapatid ko na hindi ako pinapabayaan, ay nakatapos naman po ako ng Accountancy at sa kasalukuyan nagse-self review ako para sa CPA examination. Sa susunod na taong 2017 o kaya’y 2018 dipende sa pakiramdam ko kung kaya ko ng makapasa ay balak ko ng mag-take ng CPA board exam.
2. Nais kong malaman kung susuwertehin ba akong makapasa sa 2017 o sa 2018. Alin taon ang mas suwerte sa akin, 2017 po ba o 2018? At gusto ko rin pong malaman kung may magandang love life pa kaya akong mararansan kahit na ako ay single mom sa kasalukyyan? October 15, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Rowie ng Gen San City

Solusyon/Analysis:

Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra ang nagsasabing (Illustration 2.), madali kang susuwertehin sa career pero sa pag-ibig, tulad ng nangyari at mangyayari pa may manaka-nakang kamalasang sasapitin, maliban kung ang susunod mong mamahalin at magiging boyfriend ay isang Aquarius.
Numerology:
Ang birth date mong 15 ang tumiyak na sa career lalo na sa pagiging isang CPA, siguradong susuwertehin ka at malayo ang iyong mararating. Kung saan, kahit sa 2017 or 2018 ka kumuha ng CPA board exam walang problema, tiyak na makakapasa ka.
Luscher Color Test:
Ganon paman upang magtutuloy-tuloy ang suwerte sa career at sa pag-ibig lagi kang magsuot at gumamit ng kulay na red at green. Ang nasabing mga kulay ang magdadala sa iyo sa isang maganda at positibong kapalaran.
Huling payo at paalala:
Rowie ayon sa iyong kapalaran hindi ka dapat mag-alala sa career, dahil sa sandaling kumuha ka ng CPA board exam sa susunod na taon, siguradong makakapasa ka at magiging isang ganap na Certified Public Accountant. Ngunit sa pag-ibig, dalawang beses ka munang mabibigo at pagkatapos sa ikatatlong pakikipag-relasyon sa taong 2022 sa edad mong 33 pataas, tiyak ang magaganap – makakaranas ka na ng isang tapat at masayang karelasyon na hahantong sa isang maligaya at pang habang buhay na ring pagpapamilya.

Read more...