Mga baril nakumpiska sa lumang dormitoryo ng drug lord na si Peter Co | Bandera

Mga baril nakumpiska sa lumang dormitoryo ng drug lord na si Peter Co

- September 12, 2016 - 06:17 PM

bilibid-1-010314

NAKUMPISKA ng mga miyembro ng Special Action Force (SAF) ang isang submachine gun at iba pang mga baril sa loob ng dormitoryo ng convicted na drug lord na si Peter Co sa Quadrant 4 Dormitory 2-B Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP).
Noong Hulyo, pinangalanan ni Solicitor General Jose Calida si Co bilang isa sa mga drug lord na may koneksyon sa mga general ng pulis.
Dating nakakulong si Co Dormitory 2-B bago siya inilipat sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos ang isinagawang raid ng mga otoridad kung saan nadiskubre ang mga appliance, matataas na kalibre ng baril at mga gadget.
Mula sa NBI, inilipat siya sa Building 14, ang lugar para sa mga high risk inmate.
Ngunit noong Agosto, sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na nakakumpiska pa ang SAF ng mga baril sa loob ng Building 14. Nakumpiska rin mula kay Co ang tatlong cellphones.
Bukod sa submachine gun, nakumpiska rin ng mga SAF ang tatlong pirasong .45 caliber at isang 9 mm caliber at isang flat screen na telebisyon.
Nakumpiska rin ng SAF ang shabu, drug paraphernalia, at mga mobile phone sa iba pang mga quadrant ng Maximum Security Compound.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending