NU Bulldogs nakisalo sa liderato ng UAAP

Mga Laro sa Miyerkules
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. FEU vs Ateneo
4 p.m. La Salle vs UST
Team Standings: La Salle (2-0); NU (2-0); FEU (1-1); Adamson (1-1); Ateneo  (1-1); UST (1-1); UE (0-2); UP (0-2)

NAKISALO sa liderato ang National University Bulldogs matapos nitong biguin ang Ateneo de Manila University Blue Eagles, 70-60, habang nakaahon sa kabiguan ang nagtatanggol na kampeong Far Eastern University Tamaraws sa pagdungis sa Adamson University Soaring Falcons, 75-65, sa ginaganap na unang round ng eliminasyon ng UAAP Season 79 men’s basketball sa Smart Araneta Coliseum.

Sinandigan ng Bulldogs si Rev Diputado na isinalpak ang pito sa kanyang kabuuang 16 puntos sa ikaapat at huling yugto upang panatiliing malinis ang kartada ng 2014 champion na NU sa ikalawa nitong sunod na panalo at makisalo sa pagkapit sa liderato sa nagpapahinga na De La Salle University Green Archers.

Dalawang yugto naging mahigpitan ang laban matapos magtabla sa una at ikalawang hati sa 22 -22 at 32-32 bago na lamang nilimitahan ng Bulldogs sa pitong puntos lamang ang Blue Eagles sa ikatlong yugto upang itala nito ang pinakamalaki nitong abante sa pagtatapos ng ikatlong period sa 52-39.

Nagpilit ang Blue Eagles makabangon sa pagsisimula ng ikaapat na yugto matapos ihulog ang 5-0 atake tampok ang isang tres ni Andrew Wong para ibaba ang abante sa walo, 44-52, at panghuli sa lima na lamang sa 56-61, mayroon pa na 4:48 minuto sa laban matapos ang undergoal ni Chibueze Ikeh.

Subalit gumanti ang Bulldogs sa 9-1 atake sa huling 3:24 ng laro upang muling ilayo ang bentahe sa 70-57 tungo na sa pagpapalasap ng unang kabiguan sa Blue Eagles.

Nag-ambag si Matthew Salem ng 12 habang may 11 si Alfred Aroga at 10 si Reggie Nal Morido para sa Bulldogs.

Namuno para sa Blue Eagles si Mat Nieto na may 14 puntos na nahulog sa 1-1 panalo-talong karta.

Samantala, sinandigan ng Tamaraws sina Alejandrino Inigo at Richard Escoto na naghulog ng tig-13 puntos habang may 11 puntos si Raymar Jose para ibangon ang nagtatanggol na kampeon sa 1-1 panalo-talong kartada.
Mga iskor:
FEU (75) – Inigo 13, Escoto 13, Jose 11, Bayquin 9, Arong 7, Holmqvist 5, Orizu 3, Nunag 3, Tuffin 3, Dennison 2, Trinidad 2, Comboy 2, Bienes 2, Ebona 0, Denila 0
ADAMSON (65)  – Ahanmisi 19, Sarr 11, Mustre 10, Manalang 8, Manganti 6, Espeleta 4, Camacho 3, Pasturan 2, Ochea 2, Tungcab 0, Ng 0, Bernardo 0
Quarterscores: 13-14, 32-28, 53-45, 75-65

NU 70 – Diputado R 16, Salem 12, Aroga 11, Morido 10, Alejandro 8, Salim 4, Diputado C 4, Rangel 2, Gallego 2, Pate 1, Abatayo 0, Mosqueda 0, Yu 0, Go 0, Sinclair 0
ATENEO 60 – Nieto Mi 14, Wong 9, Asistio 8, Ikeh 8, Nieto Ma 7, Babilonia 4, Black 4, Ravena 2, Go 2, Verano 2, Tolentino 0, Porter 0
Quarterscores: 20-20, 32-32, 52-41, 70-60

Read more...