Sitcom nina Karla at Bayani sa Cine Mo patok sa madlang pipol

karla estrada at bayani agbayani

PATOK na patok ngayon sa mga manonood ang sitcom nina Karla Estrada at Bayani Agbayani sa Cine Mo! channel (ABS-CBN TVPlus) na Funny Ka, Pare Ko.

Ang tindi ng laugh trip sa nasabing programa dahil sa mga kwela at nakakalokang eksena nina Karla at Bayani, pati na ng iba pang komedyante na kasama nila sa show kaya naman winner agad ito sa Pinoy viewers.

In fairness, unti-unti nang nagiging habit ng mga viewers ang tutukan ang mga programa sa iba’t ibang channels na napapanood exclusively sa TVPlus, kabilang na nga riyan ang Team Yey sa Yey! channel.

Ito’y isang pang-araw-araw na programa na naghihikayat sa kabataan na hasain ang kanilang talento at kasanayan sa pamamagitan ng masayang mga paraan mula sa hosts na sina AJ Urquia, Mitch Naco, Hannah Vito, Sam Shoaf, Raven Cajuguiran at Luke Alford.

Nandiyan din ang MathDali, isang programang pina-ngungunahan ni Robi Domingo na nagtuturo ng iba’t ibang paraan ng pag-solve ng math problems; at AgriCOOLture hosted by Enchong Dee sa Knowledge Channel na nagtuturo naman sa mga kabataan na maaaring maging exciting and fun ang pagsasaka.

Kaya naman bilang regalo ng ABS-CBN sa mga Pinoy na adik sa TV, simula ngayong Setyembre, ang TVplus ay mabibili na lang sa halagang P1499 upang magdala ng hindi lamang malinaw na panonood kundi pati na rin ng mala-cable na mga tampok ng walang monthly fee.

Pinalalawak naman ang panonood ng TV ng Kapa-milya Box Office Channel (KBO), isang abo’t kayang pay-per-view commercial-free channel na nagpapalabas ng TV shows at movie marathons na may kasamang mga pelikulang katatapos lamang ipa-labas sa sinehan.

Sa pamamagitan ng load na P30 sa ABS-CBNmobile prepaid SIM kasama ng ABS-CBN TVplus, 5 pelikula, PBB at MMK catch-up episodes at Myx ang maaaring panoorin. Ang bawa’t bagong biling box ay may kasama nang isang buwang libreng trial ng KBO.

Sa layunin ng ABS-CBN na ipabahagi ang digital television experience sa buong bansa, ang ABS-CBN TVplus ay mabibili na sa Metro Cebu, Davao City, Bacolod, Iloilo, Cagayan De oro, Benguet, Bulacan, Cavite, Laguna, Metro Manila, Nueva Ecija, Pampa-nga, Pangasinan, Rizal at Tarlac. Dahil dito, nangunguna na ang ABS-CBN sa paghatid ng digital terrestrial television sa Pilipinas.

Ang ABS-CBN ang unang media at entertainment company sa bansa na lumipat mula analog sa digital terrestrial television upang ibahin ang anyo ng panonood ng telebis-yon ng mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng mas pinalinaw pang broadcast. Kaya rin nitong i-broadcast ang mga channel na nagpapalabas ng digital.

Sa kakayanan nitong gumamit ng makabagong teknolohiya at inobasyon, ang ABS-CBN ay magiging isa nang digital company na may pinaka malaking online presence sa lahat ng media companies at humahaba pang listahan ng pag-aaring digital.

Read more...