Kris tutuparin ang pangarap maging Oprah Winfrey sa GMA 7

kris aquino

SIYAM na buwan pa ang hihintayin ng Queen of All Media na si Kris Aquino bago matapos ang bago niyang bahay. Grandyoso kasi ang bagong mansion na ipinatatayo ni Kris kaya matatagalan bago ito ma-tapos.

At the moment, nakatira si Kris kasama ang dalawang anak sa bahay na pag-aari ng isa sa mga kamag-anak ng mga Lopez na nagmamay-ari ng ABS-CBN.

Mukhang wala namang nasirang relasyon between Kris and the Lopezes sa pag-alis niya sa kanyang dating mother network at paglipat sa GMA 7.

Maging sa dating manager ni Kris sa ABS-CBN na si Deo Endrinal, we heard naging maayos din ang pamamaalam nila sa isa’t isa. Ang awkward nga naman na si Deo pa ang makipag-negotiate ng show or shows ni Kris paglipat niya sa Kapuso network.

Bagaman, hindi naman talaga nakakontrata si Kris sa GMA and she only signed-up with Triple A, ang management company ni Mr. Tony Tuvierra na siya ring magpo-produce ng mga gagawing show ni Kris sa Kapuso network as blocktimer.

At malay natin, hindi lang siya maging talent kundi isa rin sa producers ng shows niya sa GMA with Mr. Tuviera na hindi nangyari when she was still with ABS-CBN.

Anyway, possible talaga na maging co-producer din si Kris sa kontratang pinirmahan niya with Mr. Tuviera. And this may start the fulfillment of Kris’ long-time dream na maging producer of her own TV shows and other projects just like her idol na si Oprah Winfrey.

Then later on, have her own TV network na isa rin sa big time dream ni Kris. Kaya huwag na tayong ma-gulat if one day ay isa na rin si Kris sa mga may-ari ng TV network sa bansa.

Read more...