INIHATID ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa altar ang kanyang inaanak na si Isabelle Daza sa kanyang kasal kay Adrien Semblat sa Italy, kamakalawa.
Si Marcos ang gumawa ng papel ng kanyang kaibigan at tatay ni Daza na si Gabriel “Bong” Daza III, na namatay noong Hulyo.
Nag-post pa ng pagbati si Marcos kina Daza at Semblat sa kanyang Facebook page.
“What a happy day! All of us who love you have our hearts full of joy for you and Adrien on this happiest of days. I feel the warmth of your father Bong’s smile on us as we wish you all the love, happiness and success as you embark on your new life together as husband and wife. Congratulations Mr & Mrs Daza-Semblat #LoveFOREVER,” sabi ni Marcos.
Dumalo rin ang mga kaibigan ni Daza kabilang na sina Anne Curtis, Solenn at Erwan Heussaff, Tim Yap, Raymond Gutierrez, Liz Uy, at Georgina Wilson, na dating girlfriend ng pamangkin ni Marcos na si Borgy Manotoc.