Comedian-actress Joy Viado sumakabilang-buhay na

Sumakabilang-buhay na ang comedian-actress na si Joy Viado, dahil sa heart attack Sabado ng gabi, ayon sa kanyang anak na si Joseph Christopher.  Siya ay 51 anyos.

“She died at exactly 8:55 last night at the Quezon City General Hospital. The doctors tried to revive her but to no avail,” ayon kay Joseph Christopher sa isang panayam sa DZMM.

Ayon pa kay Joseph Christophet, galing ang ina sa pagbisita sa kaibigan, at dumain na nahihirapan siyang huminga.  Madali nilang isinugod si Joy sa ospital.

Una nang na-confine si Joy noong isang taon dail sa kanyang diabetes at iba pang komplikasyon, kasabay ang pagdiriwan ng kanyang ika-50 kaarawan.

Naiulat natin noong Mayo 24, na isang fund-raising event ang inilunsad para sa hospitalization expenses ng aktres.

Read more...