Bongbong, Imee Marcos ginunita ang kaarawan ng ama

Screengrab-from-Bongbong-Marcos-Instagram-account
SA harap ng nakabinbing petisyon sa Korte Suprema na kumukontra sa planong paglilibing kay dating pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, idinaan sa social media ng mga anak ang paggunita sa ika-99 na kapanganakan nito.
Gamit ang hashtag #ForeverMARCOS sa kanyang Instagram, ipinost ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang  black-and-white na litrato niya ng siya ay bata pa kasama ang kanyang tatay.
“To celebrate my father’s birthday (September 11) is to remember the dreams and aspirations he had for his beloved Philippines. Let us continue to work together to bring that vision of progress, dynamism and greatness to our country and our people! Never ever give up. Never lose hope #ForeverMARCOS,” sabi ni Marcos.
Ginunita kahapon ang ika-99 taon ng kapanganakan ng matandang Marcos.
Nagpost din si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos ng kanyang litrato ng siya ay dalagita pa kasama ang kanyang tatay: “Happy Birthday sa Tatang ko! #SalamatApo”
Nag-share pa  ang governor ng mga litrato at link ng mga petisyon at kampanya para payagan ang pagpapalibing  kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
Nauna nang pinalawig hanggang Oktubre 18 ng Kataastaasang Hukuman ang  20-araw na  status quo order laban sa pagpapalibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

 

Read more...