BUMABA sa 5.4 porsyento ang unemployment rate ng bansa sa unang buwan ng panunungkulan ni Pangulong Duterte.
Mas mababa ito ng 1.1 porsyento kumpara sa 6.5 porsyento noong Hulyo ng nakaraang taon.
Samantala, bumaba sa 17.3 porsyento mula sa 21 porsyento noong nakaraang taon ang bilang ng mga itinuturing na underemployed.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang underemployed ay mga taong nais magkaraoon ng karagdagang oras sa kasalukuyang trabaho, o nais ng karagdagang trabaho, o di kaya ay nais ng bagong trabaho na may mas mahabang working hours.
MOST READ
LATEST STORIES