CamSur Rep. Villafuerte sinuspinde ng 90 araw dahil sa kasong graft

sandiganbayan

SINUSPINDE si Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte Jr. ng 90 araw kaugnay ng kasong graft na kinakaharap kaugnay ng umano’y maanomalyang pagbili ng P20 milyong halaga ng produktong petrolyo para sa provincial government noong 2010.
Sa isang resolusyon na ipinalabas noong Setyembre 7, kinatigan ng the Sandiganbayan Sixth Division ang mosyon ng prosecution na isuspinde si Villafuerte ng 90 araw.
Inatasan din ng anti-graft court si Speaker Pantaleon Alvarez ipatupad ang suspension order laban kay Villafuerte.
Pinirmahan ang kautusan ni Chairperson Associate Justice Rodolfo Ponferrada at mga miyembro na sina Associate Justices Oscar Herrera Jr. at Karl Miranda.
Kinasuhan si Villafuerte, na anak ng kilalang political clan patriarch na si Luis Villafuerte, kaugnay ng maanomalyang pagbili ng mga produktong petrolyo na nagkakahalaga ng P20 milyon kung saan ibinigay ang kontrata kay Jeffrey Lo, proprietor of the Naga Fuel Express Zone/Petron Naga Fuel Express, ng hindi nagsasagawa ng public bidding. Si Villafuerte ang tumatayong governor noon ng Camarines Sur.
Ang anak ni Villafuerte, na si Migz, ang kasalukuyang governor ng Camarines Sur.

Read more...