ARESTADO ang isang babae matapos mag-bomb joke sa isang mall sa Cebu City, ganap na alas-11 ng umaga, kahapon.
Sinabi ni Jasmin Sala sa mga security guard na may laman bomba ang kanyang sling bag, bagamat nagpaliwanag na nagbibiro lamang siya., Si Sala, 37, ay isang production worker, at residente ng Barangay Tipolo, Mandaue City, Cebu
“Nag-joke ra gyud ko. Wala ko kahibaw ko nga bawal na. (I was just joking. I didn’t know that’s not allowed),” sabi ni Sala.
Umiiyak naman si Sala nang dalhin siya sa Cebu City Police Office kahabaan ng Gorordo ave., Cebu City.
“Dako kaayo ang akong pagmahay. Tabangi intawn ko ninyo. (I regretted what I did. Please help me),” dagdag ni Sala.
Sasampahan si Sala ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1727 o ang batas na ipinagbabawal ang pagkakalat ng malisyosong impormasyon o bomb scare sa Cebu City Prosecutor’s Office sa Martes.
Kapag napatunayang guilty, nahaharap si Sala sa limang taong pagkabilanggo.
Sinabi ni Gerly Salimbagon, chief security ong Robinsons Place Fuente, na sinabihan ni Sala ang mga guwardiya sa entrance ng mall na may lamang bomba ang kanyang bag.
Pumunta si Sala at kanyang kasamang babae sa loob ng mall para iproseso ang kanyang visa application.
Sinundan ni Salimbangon si Sala, nilapitan at inimbitahan para kuwestiyunin.
Ibinigay siya ng mall security sa mga pulis.
Wala namang lamang bomba ang bag ni Sala. Nakalagay sa kanyang bag ang isang lipstick, make up, at cellphone.
Babae inaresto matapos ang bomb joke sa isang mall Cebu
READ NEXT
Trapik: Nasa utak lang ‘yan
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...