Matatanggap ba sa Call Center?

Matatanggap ba sa Call Center?
Sulat mula kay Regine ng San Bartolome, Novaliches, Quezon City
Dear Sir Greenfield,
Two years na po akong graduweyt ng education ang kaso hindi ako nakapasa sa board exam kaya wala akong makuhang regular na trabaho. Sa ngayon ay nagpasya akong mag-aplay sa call center, dahil may kaibigan akong nagta-trabaho doon at maganda namana ng suweldo. Ang itatanong ko lang ay kung matatanggap kaya ako at kapag nandon na kaya ako magiging maganda naman kaya ang buhay ko don o mas magandang ituloy ko na lang ang aking pagre-review uli baka makapasa na ako at kapag nakapasa na ako sa board exam ay mag aaplay ako sa public school. Saang larangan po ba ako higit na uunlad at aasenso, sa call center o sa pagtuturo? At may travel line din po ba sa akin palad, pangarap ko rin po kasi na makapag-abroad? December 5, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Regine ng Quezon City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Maganda at malinaw ang Career Line (Illustration 1-1 arrow 1 at 2.) sa iyong palad. Ibig sabihin sa edad mong 26 hanggang 27 pataas biglang magbabago ang takbo ng iyong buhay, kung saan, kung noong dati ay hindi ka matanggap-tanggap sa trabaho, sa pagpasok ng buwan ng Disyembre sa taon ding ito ng 2016 – matatanggap ka na sa call center at paglipas ng mga dalawa hanggang limang taon pa, matutupad din ang Travel Line (2-2 arrow 3.) sa iyong palad, may pangingibang bansa itatala sa iyong kapalaran.
Cartomancy:
Ten of Hearts, Queen of Clubs at Queen of Diamonds, ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang babae, tulad ng inaasahan, sa isang kumpanya na may kaugnayan sa call center, mapapasok ka na, magkakaroon ng malaking suweldo hanggang sa tuluyang ma-regular at sa nasabing kumpanya tuloy-tuloy ka na ring aasenso at lalo pang lalaki ng lalaki ang iyong suweldo.
Itutuloy….

Read more...