Horoscope, September 08, 2016

Para sa may kaarawan ngayon: Lingid sa iyong kaalaman maraming humahanga sa iyo! Sa pinansiyal, sa mga kaibigan manggagaling ang malaking halaga ng salapi. Sa pag-ibig, isang payat na kayumanggi ang may lihim na pagnanasa sa iyo. Mapalad ang 4, 12, 15, 26, 36, at 45, Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhar-Masya-Om.” Green at blue ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Isang kaibigan ang sobrang bilieve sa iyo, hindi kasi nya matanggap na naunahan mo siyang umunlad! Tulungan mo siyang umasenso, dobleng gantimpala ang babalik sa iyo! Sa pag-ibig, tama na ang pagpapaganda magiging mitsa payan upang mahulog ka sa tukso. Mapalad ang 1, 9, 27, 28, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Sari-Om-Kara.” Pink at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — sipin mong kaya mo naman palang tapusin ang isang proyekto, pero bakit pinagpapaliban mo pa? Sa pinansyal sa pagsisipag mas maraming salapi ang matatanggap. Sa pag-ibig, wala kang mahihita sa ka-relasyong mataba, tamang-tama lang ang ka-relasyong payat. Mapalad ang 8, 17, 26, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong manrta: “Babanam-Ke-Balam.” Violet at red ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Wag ibinbin ang mga proyektong ipinapagawa sa iyo, matatambakan ka lang ng trabaho at lalong babagal ang pasok ng salapi. Sa pag-ibig, iwasan ang mga immoral at illegal na gawain upang hindi ka mapahamak. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 47. Mahiwaga mong mantra: : “Ananda-Marga-Om.” Blue at magenta ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Maiibsan ang kalungkutan dahil sa isang kadugo na tatanggap ng malaking karangalan. Sa pinansiyal, may makakasangga ka na sa malaking gastusing kinakaharap. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyong; “Magtipid-tipid ka naman upang umunlad ang ating buhay!” Mapalad ang 1, 19, 28, 33, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Nahmeh-Aum.” Green at pink ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — May kakaharapin na namang malaking suliraning may kaugnayan sa salapi. Ngayon pa lang mag hanap na ng mahihiraman ng pera upang hindi ka mag mukhang tanga pag dating na ng singilan. Sa pag-ibig, obligahin ang kasuyo na magbigay ng saktong budget tuwing akinse at katapusan. Mapalad ang 7, 16, 22, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Puranas-Manu-Om.” Yellow at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Maglinis ng mga abubot upang umaliwalas ang pakiramdam. Sa pinansyal, kapag maraming kalat, masisikipang pumasok ang salapi. Sa pag-ibig, wag ng katulungin ang kasuyo sa paglilinis, lalo lang magugulo ang yong mga gamit – pabilin na lang siya ng meryenda! Mapalad ang 4, 8, 32, 42, 27 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna.” Blue at pink ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — May bababala ng karamdaman! Pahinga muna sa tabaho! Mag-libang, makinig ng musika habang nagpe-Facebook. Sa pag-ibig, iwasang makipag-chat sa mga hindi kakilala, mapapahamak ka lang. Mapalad ang 8, 15, 26, 34, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Veda-Aum-Puranha.” Maroon at orange ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pag-ibig, mag hanap ng kasuyong laging nagsusuot ng kulay na pula o kaya’y asul, siya ang magbibigay sa iyo ng malaking suwerte at magandang kapalaran. Sa pinansyal, walang utang na hindi sisingilin kaya mas mainam pang mag bayad ka na lang ng kusa. Mapalad ang 1, 18, 27, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at red ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Kung palagi kang panghihinaan ng loob walang mangyayari. Tama ang kasalukuyan mong ginagawa – maging matapang! Sa pag-ibig, wag namang labis na “underin” ang kasuyo, baka layasan ka nya. Mapalad ang 2, 13, 27, 33, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ava-Aum-Yara.” Magenta at lilac ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Hindi masosolusyunan ang problema sa pamamagitan ng sisihan. Akuin mo ang pagkakamali ng iba upang matigil na ang usapan! Sa pag-ibig, hayaan mong mag-reklamo ang kasuyo, wala naman siyang magagawa sa gusto mo. Mapalad ang 4, 17, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. Yellow at green ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pag-ibig, sa sandaling nawasak ang pamilya, sa bandang huli ikaw rin ang lubhang masasaktan. Sa pinansyal, makuntento na sa kasalukuyan, kaysa maghanap pa ng kung ano-anong luho na hindi naman kayang ibigay ng kasuyo. Mapalad ang 7, 18, 29, 32, 37 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Niva-Om-Araanam.” Blue at beige ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Alalahanin mong malungkot ang pasko kapag kapos ang pera! Kaya ang pinaka-mabuti, ngayon pa lang unti-unti ka ng mag-ipon. Sa pag-ibig, ngayon palang iplano nyo na ng iyong kasuyo ang isang simple, pero masayang pagdiriwang ng kapaskuhan. Mapalad ang 7, 14, 25, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mimu-Soph-Om.” Green at purple ang buenas.

Read more...